Ni Kevin Carson. Orihinal na artikulo: Who owns the Benefit? The Free Market as Full Communism, Setyembre 12, 2012. Salin ni Raj.
May magandang kasabihan tungkol sa kung paano gumagana ang kapitalismo sa buhay natin (Hindi ko maalala kung sinong nagpauso noon, pero sa tingin ko si Noam Chomsky): “Lugi para sa lahat, kita para sa iilan.” (“Socialization of risk and cost, privatization of profit”)
Magandang paglinaw iyon sa ginagawa ng estado sa ilalim ng kapitalismo ngayon sa halip na malayang kalakaran. Lahat ng bagay na sa tingin natin ay problema ng korporasyon at kapitalismo—ang pananamantala ng manggagawa, polusyon, planned obsolesence, pagsira ng kalikasan, pagkuha ng lupang-katutubo at pagkubos ng likas-yaman—lahat yan ay buhat ng pag-bahagi ng lugi para sa lahat at pag-angkin ng mga kita sa iilan.
Anong nangyari at walang nagbago kahit mas madali nang paggawa ng kagamitan natin kahit sumulong ang teknolohiya natin? Bakit hindi bumaba ang oras ng trabaho o nagmura ang presyo ng mga pangangailangan natin sa buhay? Dahil sinsara mula sa loob ang ekonomikong pag-unlad para upahan at pagkakitaan.
Sosyalismo ang likas na kalalabasan ng malayang kalakalan at palitan. Sa sandaling oras ang inventor at kanyang bagong produkto ay kikita ng lubos bilang kapalit ng pangunguna nila sa merkado. Tapos, aakuin ng mga kakumpitensya niya ang likha at gagawa sila ng sarili nilang produkto at ibababa nito ang kita hanggang 0 at ang presyo ay lilipat sa bago at mas-murang produksyon na buhat ng bagong produkto na ito (kasama na sa presyong ito ang halaga ng maintenance at amortization kaniyangcapital outflow). Kung ganoon, kung malaya talaga ang ating kalakalan, ang cost savings sa paggawa na kailangan para gawin ang kahit anong kalakal ay madaling mabahagi sa lipunan (socialization) bilang isang uri ng mababang labor cost para bilhin iyon.
Kung kailan nagpapanukala ng artificial scarcity, pekeng pag-aari (artificial property rights) at mga harang sa kumpitensya lamang nagkakaroon ng pagkakataon ang kapitalista para kunin ang parte ng cost savings bilang paupa (rent). Ang kapitalista, sa ilalim ng kalagayang ito, ay maaaring magtayo ng monopolyo sa halaga ng mga pangangailangan. Imbes na mapipilitan ng kumpitensya na ipresyo ang kaniyang kalakal sa totoong halaga ng paggawa nito, puwede nyang ilagay ang presyo base sa kakayahan ng madla na magbayad.
Ang ganitong uri ng pag-aari, gamit ng intellectual property, ang dahilan kung bakit kayang swelduhan ng Nike ang manggagawa nila sa ibang bansa ng konti habang presyuhan nila ng P5,000 hanggang P10,000 ang sapatos nila. Ang binabayaran mo hindi yung halaga ng paggawa ng sapatos o yung materyales para gawin ito, ang binabayaran mo yung brand.
Ganoon din ang nangyayari sa pekeng kakulangan ng lupa at puhunan. Ayon kina David Ricardo at Henry George, merong pagpatong ng halaga ng upa (rental accruing) sa kakulangan ng lupa bilang non-reproducible good, o kalakal na hindi maaaring gawin muli. Hindi nagsasang-ayon ang mga Georgista, mga mutualistang naniniwala sa “pagtira at paggamit” (occupancy and use) at iba pang mga libertaryo kung paano maaayos ang kakulangang ito. Pero ang artificial scarcity, na base sa pribadong pagsara ng bakanteng lupa o sa pag-upa ng mga lupang ito mula sa mga totoong gumagamit o sumasaka nito, ay malaking pinagkukunan ng hindi-makatwirang upa o illegitimate rent—marahil ang pinakamalaking bahagi ng kabuuang upahan ng lupa. At kung anuman ang kahit anong pwede nating gawin o itaguyod, ang mga libertaryong talagang maka-kalayaan ay pabor para buwagin ang artificial scarcity na ito at payagang ang kalakalan at kompetisyon mula sa bakanteng lupa ang magbaba ng upa sa totoong halaga nito.
Pabor din kami sa pagbukas ng suplay ng credit sa malayang kalakalan at kompetisyong ito at sa pagbuwag ng mga harang sa pagpasok dito para makagawa ng mga unyon at kooperatibang bangko at pautangan, at sa pagbuwag na rin ng mga batas sa kung anong pera ang dapat pinapalipat-lipat (legal tender laws) para ang malayang kalakalan ang magpapawala sa kalakhang parte ng kabuuang interes sa pera.
Pero habang ang socialization ng upa at kita ay hindi magugustuhan ng mga kapitalista bilang “tunggalian ng uri”, wala silang problemang ibahagi sa lahat ang gastos ng pag-mano ng kanilang negosyo. Kaya sobrang sentralisado ang produksyon ng mga kalakal at kagamitan ngayon at sobrang laki ng mga korporasyon at merkado ay dahil sinu-subsidize ng estado ang imprastraktura ng transportasyon sa malaking halagang ibinubuhat ng publiko, at ginawa nilang artificially na mura ang pagpapadala ng mga kalakal sa malalayong lugar. Kaya dito madaling manguna ang mga malalawak at inefficient na producer laban sa mga mas maliliit na producer sa pagsakop ng mga lokal na ekonomiya sa tulong ng estado. Kaya may mga malalaking mall at retailer na nanlulugi at nagpapasara ng mga lokal na tindahan, gamit ang kanilang “bodega sa gulong” para magbahagi ng mga kalakal gawa sa mga pabrika overseas.
Ang pagkasira ng kagubatan, biodiversity at polusyong carbon dioxide dahil ang kalikasan natin ay parang basurahan na walang may-ari imbes na nababantayan bilang commons kung saan lahat ay stakeholder. Inuunahan ng estado ang pag-ari kuno ng mga likas yaman tulad ng kagubatan, natural na materyales, o mga mahahalagang bato at metal—kung saan ang mga IP o indigenous peoples nakatira sa mga lupa kung saan ang ma ito ay kadalasang nahihila pailalim o napapatay—para bigyang pribilehiyo ang mga manginginabang na industriya na kayang ubusin ang mga likas-yamang ito ng walang natatamong lugi o gastos sa sarili nilang operasyon.
Nakakamangha na may malaking pagkakapareho ang ideya ng kasaganahan sa ilalim ng malayang kalakalan sa Marxistang ideya ng full communism. Nagsulat si Carl Menger ukol sa mga economic goods (ibig sabihin ang mga kalakal na sumasailalim saeconomic calculation dahil sa kakulangan nito) na nagiging non-economic goods (kung saan mas mahal itong i-account dahil sa sobrang likas at dami nito at sa sobrang murang production cost nito, kung mayroon man). May pagkakatulad ito sa isang malaking kaisipan sa sosyalismo: ang free-culture/open source/peer to peer (P2P). Nakikita nila ang komunistang modo ng produksyon ng mga open-source na proyekto tulad ng Linux bilang binhi na makakapaglago sa pagbuo ng lipunan tapos ng kapitalismo at kakulangan (scarcity). Kahit nagsimula ang produksyong kapitalista sa mumunting isla ng mas malawak na ekonomiyang pyudal at naging puso ng bagong lipunan at ekonomiya, ang produksyong pagkawang-gawa (peer production) na base sa commons ang magiging puso ng ekonomiyang lalago tapos ng kapitalismo.
At kaming mga sumusuporta sa malayang kalakalan ay komunista pagdating sa impormasyon—gusto namin itong mapakinabangan ng lahat. Ang pinakamalaking pinagmumulan ng yaman sa modelo ng kapitalismo ngayon ay galing sa upahan buhat ng artificial scarcity ng mga paraan at karunungan.
Sa isang lipunan kung saan hindi na sinusuportahan ang lugi, ang waste at planned obsolesence, at kung saan walang harang sa kumpitensyang magbabahagi sa pakinabang ng pag-unlad sa teknolohiya, baka mamuhay tayo kung saan 15 oras na lang ang kailangan nating trabahuhin. At sa isang lipunan naman na ang nangungunang modo ng produksyon sa lipunang ito ay base sa mga lokal na manlilikha (craft production) gamit ng mura at pangkalahatang machine tools –na naipaliwanag na ni Kropotkin sa kanyang librong Fields, Factories and Workshops (“Mga Bukirin, Pabrika, at Talyer”)—hindi magiging kasinglala ang dibisyon ng paggawa lalo na ang paghihiwalay ng mental at physical labor.
Ang dalawang bunga ng malayang kalakalan sa pagbahagi ng pag-unlad sa lahat ay hindi magbubunga ng lipunan kung saan ang mga mayamang korporasyon tulad ng Ayala, Villar, NutriAsia, SM, o JFC, pero ang pangarap na masaganang komunistang lipunan ni Marx kung saan puwedeng “gawin ang isang bagay ngayon at bago naman sa susunod, na mangaso sa umaga, mangisda sa hapon, magpastol ng baka, magkritiko sa hapunan, bilang sarili ko, na hindi nangangailangang maging mangangaso, mangingisda, pastol o kritiko.” (The German Ideology)